
“Ate, ang posture mo ayusin. Ang ganda mo pa naman.” -mommy
Noong Friday nga pala ito, Senior’s Ball namin.

4:45 AM
Badtrip. Natulog kaagad ako pagdating (mga 8pm) sa bahay galing sa school at sa galaan. Gigising dapat ako ng 10pm para asikasuhin ang thesis namin. Nag-alarm ako pero hindi ko alam kung bakit wala akong narinig kaya hindi ako nagising. Nagulat na lang akong alas-kwatro na pala ng umaga. Buti nga nagising ako nang maaga. Ayos, naka-walong oras naman ako ng tulog pagkatapos ng buong linggong puyatan, pero medyo nahihilo pa rin ako. Nakakatakot dito kasi ako pa lang ang gising at sobrang dilim pa (malamang).
Wala ring pinatunguhan ang pag-oovernight ng mga kagrupo ko sa bahay nila Cheska para gawin ang chapter 3 kasi hindi sumama si David (ikilledgoliath). Nasa kanya yung software na gagamitin para sa statistics. Mamaya, nasa DLSU-D naman kami para kumuha ng mga related studies.
Sa mga ganitong panahon, kape talaga ang pinakamatalik kong kaibigan. Gagawa na ako ng mga dapat gawin.

Dahil ang pangit ng mukha ko ngayon, jawline na lang ang ipapakita ko. Hehehe! Maganda raw ang jawline ko sabi ng mga kaibigan ko. Feeling ko normal lang naman ang jawline ko at kaya lang nila nasabi yun kasi matataba ang mga mukha nila kaya hindi ganoon ka-prominent ang kanilang jawline.
So ayun, hello!

Hi! Hindi naman ako singkit pero bakit parang ang liit ng mata ko dyan.
Mag-iIlocos trip kami. Bukas ang alis namin, tapos sa 31 ang balik. Dadaan pa ng Baguio, as usual, para sa reunion. Sana makapag-internet ako habang nandoon, kahit makapagtweet man lang. Bye.