Hindi ako nakapagpost ng isang linggo dahil sa practice. Pakwento ah.
Anniversary ng cityhood ng Dasmariñas kahapon. Bilang celebration, nagkaroon ng first Paru Paro Festival. May competitions. At yung officials mismo pumili na isali kami. Yehey!
Masaya yung isang linggong practice kasi walang klase. Pagod ka nga lang. Sasakit ang likod mo, binti at paa, braso, pati ulo. Nakakatuwa kasi tulong tulong ang sambayanang PCU sa paggawa ng props at costume namin. Yung faculty room naging factory. Lahat nagcocooperate.
Kahapon nga, nagstreet dance tsaka mass demonstration. Masaya yung streetdance, nakakapagod lang talaga nang sobra sobra tsaka nakakaitim. Haha! Grabe. Nakakatuwa pag may nagchicheer samin kahit di namin kilala. Tapos yung mga schoolmates at teachers naming hindi magkanda-ugaga sa pagpunas ng pawis namin at pagbigay ng tubig. Sobrang nakakatouch. Medyo hindi lang ganun kaswabe yung street dance kasi nung bandang dulo medyo tinatamad na yung iba sa amin sa sobrang pagod. Sa mass demo, maganda raw yung performance namin. Masikip nga lang kaya medyo nagkagulo sa pagkuha at pag-alis ng props.
3rd place sa best in costume lang napanalunan namin. Para sa’kin, sapat na yun. Kahit ano namang mangyari panalo pa rin kami kasi narepresent namin ang PCU. One week nga lang preparation namin e, di tulad ng iba na almost a month. Masaya kasi first ever paru paro festival tapos kasali kami. Experience rin. Pinakamasaya sa lahat, may mga dumagdag sa school friends ko. Yie! :D
Hindi naman nakakapagod e. Kaya nga hindi na ‘ko makalakad nang maayos sa sobrang sakit ng paa ko.
Sumali na kami sa Paru Paro Festival para sa celebration ng City Day ng Dasmariñas. Hindi naman talaga dapat e kaso pinilit kami ng aming mga kaklase at ni ma’am. (Konti lang kasi sumali sa section namin. Nakakahiya naman.) Tsaka, experience rin. Hehe! First time magkakaroon nito sa Dasma tapos kasali kami. History. Gastos nga lang. Pero nakakatuwa naman at nakiki-cooperate ang buong PCU HS sa gastusin at tutulong din yata yung iba kahit hindi kasali sa paggawa ng props. E ‘di ayun, whole day ang practice namin ngayon. Hindi tuloy kami nakanood ng movie na Troy. :( Bagong sali kami kaya medyo nahihiya ako nung una. Wala kaming alam sa steps e. Buti na lang madadali lang yung steps at madaling masundan. Salamat din sa mga mababait kong kalapit na nagturo. Ito na yata ang pinakanakakapagod na sayaw na masasayaw ko. Masakit sa paa ang mga steps. Naglalakad pa kami habang ineexecute yung sayaw kasi street dance yun. Grabe lang. Practice pa nga lang, sobrang pagod na. Pa’no pa kaya sa actual na street dance na tirik na tirik ang araw at ang costume namin ay napakainit sa katawan? Good luck. Buong araw kaming nagpractice kaya natapos namin. Iba pa yung sasayawin sa mass demo kaya dapat magmadali kasi wala ng oras, next Saturday na yung competition e. Buti na lang mababait yung groupmates kong cleaners kaya pagdating namin sa classroom, malinis na. Buti na lang din exempted kami sa CAT ngayon. Ang saya! Buti naman naiintindihan nila ang pagod naming sobra sobra.
Para humanap ng conceptual literature at related studies para sa Research, nagsadya kami sa DOST Bicutan. Sabi kasi ni ma’am marami raw kaming makukuha doon.
Ang hirap maging commuter. Lalo na pag pa-Metro Manila. Tapos yung makakasabay mo pa sa bus mga nag-aaway. Hahaha. Pero okay na rin, experience. Hindi magtatagal at puro byahe na rin kami. Kaleyds na e.
Tapos na kagad. -_- Kay bilis nga naman. Akalain mo, last na pala yun.
Thank you Lord at naging masaya naman ang huling high school fieldtrip ko.
Magpopost pa ba ‘ko ng pictures? Wala pang nag-uupload sa’min e.
Nagbabasa ako ng libro nang bigla akong makatulog. Pinipilit ko pang huwag makatulog kasi maaga kuno ako matutulog ngayong gabi para sa field trip bukas, pero nahiga lang nang konte, nakaabot na ‘ko sa ibang daigdig.
Ligo na u, Lapit na me lang ang kasama ko sa mga panahong ‘to kung saan medyo naiinggit ako sa mga kaibigan ko kasi hindi ako nakasama sa panonood ng Rakenrol. Ligo na u, Lapit na me lang din ang tumutulong na pagtagpi-tagpiin ang puso kong nagpira-piraso dahil sa concert ng All Time Low na hindi namin mapapanood (gash, in just one hour kakanta na silaaaaaa). Imaginine ko/nyo naman kung gaano ka-depressed si Lizbeth (dakilangtamad) ‘di ba.
Buti may okasyong sasalo sa amin, tulad ng field trip bukas. Sana maging kakaiba, at mas masaya since last na namin ‘to ngayong high school. Hindi ko alam kung dapat maexcite. Pero sa totoo lang hindi ako naeexcite. Pero pinipilit ko na lang para naman may thrill, at para makagising ako nang maaga bukas. As of now, katulad ng karma ko sa plurk, 46.44% pa lang ang excitement ko. Actually, hindi nga sa mismong field trip ako naeexcite ng 46.44% e. The fact na makakapunta kami sa bookstore sa MOA at makakasayahan ko ang Einstein sa bus, dun ako excited.