Sabi pa naman ng mommy ko kanina bago ako umalis, huwag daw akong magpapagabi. Um-oo ako dahil wala akong ideya na ganoon pala katagal ang gagawin namin. Hindi na naman ako nakatupad sa usapan at mukhang araw araw kaming ganito sa loob ng isa o dalawang linggo.
Ang hirap ng ginagawa namin. Araw araw kaming pupunta kila Nica (bunsonganak) simula ngayon para pakainin ang mga daga. Idagdag mo pa ang hirap sa pagpapakain kasi sobrang lilikot nila. Minsan, nangangagat pa. Sa isang daga, humigit kumulang anim na minuto ang ginugugol namin. 28 silang lahat. Tatlong oras kaming nagtatrabaho sa kanila sa pagpapakain. Wala pa roon ang paggawa namin ng crude extract na halos umabot din ng mga tatlong oras. Sa sobrang hirap e sinisigawan na namin yung kapitbahay nila Nica na nagkakaraoke. Nakikisabay kami sa kantahan, pero pasigaw. At sa loob ng tatlong oras na pagpapakain e naka-ilang tili ako dahil laging nabibitawan ang daga at natatakot ako. Hindi pala, nandidiri lang. Ayoko kasi sa mga gumagapang na hayop na nakakatusok o nakakakiliti. Natumba pa ako sa upuan dahil sa isang magaslaw na daga. Hawak hawak ko pa man din. Buti na lang may gloves ako at buti na lang hindi nasira yung bangko. Nakakatawa lang every moment kasi si David na walang pakialam ay maraming alam na trivia tungkol sa mga hamsters at nakakatuwa siya kanina. Dapat talaga mag-best thesis kami. Hahaha!
Naiinis lang ako. Hindi ako galit.
Reply lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay. Hindi excuse yung walang load. Maraming ibang paraan. Yung pakiramdam na naghintay ako sa Robinson’s kanina sa mga kagrupo ko tapos wala rin namang nakasama. Yung magreply man lang sana na, “Sorry, hindi ako makakasama” ayos na e, kesa yung paghintayin ako sa wala. Mag-isa lang ako sa grupo naming pumunta sa CAVSU. Nagmukha pa akong tanga doon kasi may konting problema sa study namin. Nalulula ako sa mga pinagsasabi nina Dr. Saldaña at nung isa pang veterinarian. Hindi raw kasi pwede yung mismong study namin kaya kailangang baguhin. Muntik pa akong maiyak doon kasi hindi ko na maintindihan kung anong dapat gawin sa dami ng mga sinasabi nila. Masakit sa ulo. Tapos wala man lang akong kasama na pwede akong tulungang mag-isip. Ngarag ngarag pa sa pagcontact ng mga groupmates. Wala akong kaload load, naghanap ako ng magpapasa sa akin para makapagsulitxt ako. Nagtext ako, nagpapa-search lang sa internet, wala pa ring nagreply. Kung hindi ako kinomfort nung mga kaklase ko na, “Wag ka mag-alala. Nandito lang kami. Magtiwala ka sa grupo nyo.” maiiyak na ako dun. Iniisip ko pa lang na magchechange topic!!! TANGINA. Tapos wala man lang akong kahit sino na makakaramay sa ganoong feeling kasi yung dalawang grupo na kasama ko, okay na pareho. Bukas na nga sila mag-eexperiment e.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Ako lang ang nag-aalala, ako lang ang may pakialam sa kinabukasan ng research namin na ‘to. Parang wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko. Hindi naman siguro, pero yun ang nararamdaman ko. Yun ang pinaparamdam nila sa akin. Nakakasama ng loob. Yung effort ko sa lahat, haaayy. Yung gastos ko lang ang laki na e, bukod pa dun sa contribution namin. Yung pamasahe namin papuntang South Mall at Festival Supermall na lampas isandaan para lang makabili ng mga hasmters na yan. Tapos yung pamasahe ko papuntang CAVSU na halos umabot na rin ng isandaan. Naubos na yung pera kong ipambibili ko sana ng sapatos. :(( Tapos pagdating ko pa rito sa bahay, sasalubong sa akin yang mga mababahong hamsters na yan na kailangan kong pakainin at palitan ng kusot. Parang pag-ibig lang yan, nakakapagod pag mag-isa ka lang na nag-eeffort. Pagod na ako.
Naiintindihan ko naman na hindi pinapayagan ng magulang, mga ganung bagay. Ako rin naman e. Hindi naman ganun kaluwag yung parents ko gaya ng akala niyo, pero pinipilit ko. Para sa grade ‘to e. Pero kahit moral support lang okay na. Kahit itext lang ako na, “Fia, kumusta naman yung research? Yung mga hamsters?” Kahit magreply lang sa tuwing magtetext ako para di naman ako naghihintay sa wala.
Akala ko makakapagpahinga na ako ngayong bakasyon. Hindi pa rin pala. Puro stress pa rin. Buti nagawan ng paraan ni Ms. Mojica na hindi na namin babaguhin yung study kasi nacontact niya yung MedTech sa La Salle na tutulong sa amin. Thank you Lord! Hindi nga pala ako dapat mawalan ng pag-asa. Yun na lang ang meron ako e.
At naniniwala akong pag walang hirap, walang sarap.
Akala ko bababa lahat ng grades ko e. Hindi ko kasi nafeel ang 3rd grading period. Yun ang period of decline ko parati. Maski nung 2nd year, bumaba rin ako sa top nung 3rd grading. May sumpa. :))
Sinabi ko lang kina mommy, tapos. Wala naman silang reaksyon. Hindi kasi sila yung grade conscious parents tulad nung iba. Hinahayaan niya lang ako, pinagsasabihan lang paminsan-minsan.
Trigonometry, Social Studies III at Research I ako bumaba. The rest, maintained o tumaas naman.
Ibibigay ko na talaga best ko ngayong last grading period na ‘to. Nakasalalay rito ang future ko. Wahaha! Syempre, magka-college na next year kaya dapat okay ang mga final grade ko kasi titignan yun. Gusto ko rin ma-avail pa yung scholarship para sa 1st and 2nd honors. Kaya dapat ko talaga mabawi yung posisyon ko. Gusto ko manlang makatulong sa mga gastusin ng parents ko by that. 50% din ng tuition mawawala pag nag-scholar ako. :)
Nagpa-xerox ako ng questionnaires namin sa Research. Ang katanga-tangahan naman, di ko nalagyan ng directions. Nilaktawan ko muna kasi sabi ko, mamaya na yan, iisipin pa e. Nakaligtaan ko na pagkatapos kong ma-type lahat. E kailangang kailangan yun! Pa’no ka ba magsasagot ng tanong kung walang instructions? 220 copies pina-xerox ko, so 110pesos binayaran ko.
Saka ko lang na-realize na walang instructions nung napa-xerox na. ALAM MO YUNG NANGHIHINAYANG?

POOTAH GUSTO KO MAGWALA.

ISA ‘YAN SA MGA FINEATURE SA SCIENCE-MATH EXHIBIT NG UPRHS.
NAGULAT AKO D’YAN.
AYON KAY KUYA, ISANG FRESHMAN STUDENT NG UPRHS, USB DAW ‘YAN.
‘YUNG MALAKI, ‘YAN DAW ‘YUNG GINAGAMIT NUNG UNANG PANAHON. 1GB LANG ‘YAN AH. IMAGINE! KASINLAKI NA NG PC ‘YAN E. NAGTAKA ‘KO, GA’NO NAMAN KALAKI MGA COMPUTER NOON? PA’NO NILA NASASAKSAK ‘YAN? AY EWAN.
TAS ‘YUNG NASA BABA, ‘YAN ‘YUNG USB NATIN NGAYON. ANG LIIT O. IKUMPARA MO NAMAN. TAPOS ‘YAN, 16GB.
TEKNOLOHIYA.