Pwedeng mainis?

Ang sarap pasabugin ng SM kanina. (ang bad ko) Sobrang daming tao, mas marami pa kesa nung Friday. Nakakayamot. Hindi ka makalakad nang mabilis sa dami ng nakaharang. Kung pwede lang sigawan sila ng “TABEEEE!”. Para ka tuloy sumali sa prusisyon. Badtrip.

Kung hindi ko lang talaga kailangang ipadevelop yung mga pictures na kulang para sa documentation at kung hindi lang talaga ako desperadang mabili yung librong Para Kay B nang hindi nagmumula sa pera ko, hindi ako sasama kila daddy at kuya sa SM e. Alam ko namang maraming tao at maiirita lang ako, kaso kailangan talaga.

Yung papasok pa lang kami sa parking e todo traffic na, umuulan pa. Paglabas din ng parking mas trapik pa. Dinaig pa nga ang EDSA e. Halos isang oras yata kaming na-stuck sa may exit ng parking bago kami tuluyang nakalabas. Winish ko na sana nagcommute na lang kami. Buti na lang dala ni kuya ang iPad at nakinabang kami sa free wi-fi ng SM.

Mga tao nga naman. Makarinig lang ng “sale” e parang sinilaban ang mga pwet at hindi magkanda-kumahog na pumunta sa kung saang mall man may sale. Bumabagyo pa nyan ah, partida! Kahit na inuuto lang naman sila. Yung ibang boutique, yung mga out-of-date na mga tinda lang ang sinesale nila, para lang may bumili. Yung mga magagandang klase, hindi nila sinesale. Sale sale. Kakaunting halaga lang naman ang nababawas dun sa totoong presyo. Sabagay, para sa mga taong kapus palad e malaking bagay na yun.

Ako? Wala akong pasensya makipagsiksikan sa mga tao para lang “makatipid”. Mas gugustuhin ko pang bumili ng damit o ng kung anong bagay sa ordinaryong price nila kesa makipaggitgitan sa mga tao at pumila sa napakahabang pila. Manakawan pa ‘ko. Imbis na nakatipid, double trobol pa. Kaya kanina, habang hinihintay ko yung pictures na pina-develop ko, tumambay na lang ako sa Booksale at Pick-A-Book. Wala masyadong tao, yes. Natuwa pa ‘ko kasi may nakita akong Angels & Demons na gusto kong basahin. Bibilhin ko siguro yun, next time pag wala pa rin kay Lizbeth yung kanya.

Hay, SM. Hay. Pero hindi na ‘ko naiinis ngayon kasi napapangiti ako ng binabasa kong libro. At least, kahit papaano, worth-it naman ang pagpunta ko roon.


An ounce of prevention is better that a pound of cure.

Papasok sa subdivision namin, madalas naglalakad ako since malapit lang naman ang bahay namin, pero pag madilim na, nagta-tricycle na lang ako. Nakakatakot dumaan dun sa madilim na part e. So habang naglalakad ako, may narinig akong dalawang medyo kasing eded ko na nag-uusap (usisera e). Iisa lang ang tumatak sa isip ko.

“Siguro, kung walang naaksidente dyan, hindi sila maglalagay ng humps.”

Yup, may naaksidente sa main highway ng subdivision namin. Nasagasaan ng isang tricycle driver ang isang bata. Ayun, tigok.

Kanina naman, pumunta kaming SM Dasmariñas. (Wow, bago na ang logo ah.) Nagulat kami kasi ang haba ng pila papasok. Yun pala, todo check na yung mga security guards ng bags. Nakahiwalay na talaga yung mga lalake sa mga babae. Simula nung may mga nagbarilan sa SM, naghigpit kuno yung seguridad. (Sus, pakunyari effect, e wala namang kwenta yung pagchecheck nila ng bags. Hindi naman ho tanga yung magdadala ng baril o ng kung anong armas na talagang ipapakita yun. Syempre ilalagay yun sa hindi makikita. Mga bobikels!)

Ano pa nga ba? E ganyan naman talaga tayo. Hangga’t walang nangyayaring masama, wala, dedma lang. Hindi ba pwedeng agahan ng konte? Wag naman nating pairalin dito ang Filipino time. Bago pa may mangyari, pigilan na. Mas maagap, mas mabuti. Kailangan talaga may magsakripisyo muna ng buhay bago matauhan. Pero ano nga bang sense ng mga pinagsasabi kong ‘to. Maririnig ba ‘ko ng presidente ng subdivision namin? ng may-ari ng SM? ng gobyerno?


Nandamay na.

Nagsimba kami kanina. Pero si kuya, hindi sumama. Ewan ko dun. Tinamad siguro. Nagreklamo pa nga. Sabe, “Ano ba yan. Bukas na lang.”

Nung paalis na kami, nagulat si mommy kasi biglang nakahiga na sa kuwarto at natutulog pala. Ginigising niya pero ayaw bumangon. Ang ganda nga nung sinabi ni mommy e.

“Ay nako, bahala ka. Mahirap gisingin ang gising.”

Mukhang nagpapanggap lang yata na natutulog e. Nainis si mommy, pag-uwi namin, sinabi niya na aalisin niya raw yung internet router para di kami makagamit. Puro computer na lang daw kasi pinaglalaanan namin ng oras. Hello? Si kuya lang yun. Aral nga ako ng aral para sa UPCAT e. Isang oras na lang ako nagcocomputer. Tapos ganon. E feel ko pa naman mag-internet ngayong gabi. Kainis lang.


Biyernes na nakakaines.

Nakakapagod kasi. Una, cleaner ako. Kailangan ng puspusang paglilinis kasi dalawang araw mawawalan ng pasok. Hindi puwedeng madatnan ng adviser namin na marumi ang classroom sa Monday. Kung hindi, naku siguradong patay kami. Naka-strike one na nga kami e. Tsaka ang hirap sa Friday, madalas may program, tapos dadatnan namin yung room na sobrang dumi pagkatapos. Ang sarap pa naman umalis na at gumala. Pero kamalas malasan lang, maglilinis pa kami.

Pangalawa, may CAT kami tuwing Biyernes. Syempre, nakakapagod yun lalo na kung pinagposisyon kami nang todo. Pero buti na lang hindi masyadong strikto yung platoon leader namin.

Mas malas pa nyan pag nagkataong may NSTP, katulad kanina. Pinaglilinis kami ng campus. Dagdag pagod.

Pero nakakapawi naman ng pagod kahit papaano yung comments ng mga officers sa’min. Ang galing daw namin sa CAT, malakas yung boses. Nakakatuwa lang. Nakakagana tuloy lalo. Tsaka fun fun fun din naman kasi panigurado may gala bago umuwi nang bahay. Himala na yata pag umuwi kami nang deretso pag Biyernes.


Imbis na mairita ako, natatawa na lang e.

Itong nanay ko kasi, pinagalitan ako dahil dun sa pagkaing napanis na ako ang may kasalanan. Tapos yung pagkain dapat ng aso namin na tinapon ko. So talak siya ng talak like it’s the end of the world. Tapos yung mga madadampot niya, ibabalibag niya.

Natatawa lang ako kasi, kunyari madadampot niya yung plato, sa inis, nababagsak, tapos pupulutin niya. Tapos pag may nabagsak ulit siya, pupulutin ulit niya. Para lang siyang naglalaro mag-isa. Hahaha!

Ambot sa imo, Ma.