GV all the way

Walang makakapagpawala ng good vibes ko ngayong gabi. Kahit medyo masama ang pakiramdam ko kanina, masaya pa rin. Bakit?
  • 2nd place kami sa Dance Festival!!! Hindi talaga namin inaasahan kaya ang saya namin. Parang kami yung nag1st place sa sobrang tuwa.
  • Ang bait ni Sir Geneveo kanina sa amin. Bati na kami. Yay! Naghandshake na ulit kami at nagpicture pa. Sana ganito na hanggang matapos ang school year.
  • Hindi na raw tuloy ang oration sa English. Buti na lang hindi ko pa tapos imemorize yun. Masasayang lang ang effort.
  • Baka mamove yung Research II final defense namin.
  • Hindi kami pinaglinis ng room ni sir. Pina-arrange lang ang mga upuan. Siguro kasi natutuwa siya sa amin.
  • Kinilig ako para sa kaibigan ko. Naks, hinarana. :”>

Masaya ang araw na ‘to. Enjoy ang huling dance fest.