Ang buhay ko’y may kinakikiligan na ulit.

Matagal-tagal din akong nagpahinga dyan sa mga kilig kilig at crushes na yan. Ngayon na lang ulit ako naging interesado sa isang tao… sa isang lalake. Schoolmate ko siya. Mahabang storya kung paano nagsimula pero nakakatawa kung iisipin. (Hindi ko maaaring ikwento kasi mahirap na.) Wala lang naman ito noong umpisa, pero mukhang sineseryoso na namin. Kung nagtataka ka kung bakit “namin”, sige na nga, sasabihin ko na ang natitripan naming magtotropa ay iisang tropa lang din.

Kung totoo lang na nakakagat ng isang tao ang kanyang dila kapag pinag-uusapan siya, sigurado sugat sugat na ang mga dila ng mga iyon sa dalas namin silang pag-usapan. Kahit saan nga kami pumunta, hinihiling naming nandoon sila. Adik na kung adik, pero ang sarap lang. Ang sarap ding magfeeling na iniisip din nila kami. Wahahaha!

Sa ngayon, hanggang stalk lang kami. At hindi basta bastang pang-iistalk lang; yung stalk na pamprofessional. Gusto lang naman namin silang kaibiganin (oo, kaibigan lang) bago man lang kami grumaduate. Paano kaya? Mehehehe.

  1. ohdiba posted this