Habang gumagawa ako ng narrative report tungkol dito, mabilis na nagsibalikan ang mga alaala ko noong ika-9 ng Pebrero.
Retreat? Boring.
Yan ang madalas na bukambibig ng mga estudyante, kasama na ako. Simula noong 2nd year na nagkakaroon kami ng spiritual retreat, hindi ako ginaganahan kasi ano bang nakakagana sa pakikinig ng message ng pastor (matutulog lang naman ako) at pagconduct play na paulit ulit na lang ginagawa? Ganyan ang pananaw ko sa retreat, hanggang noong gabi ng February 8.
Ang message ni Ptr. Jeff ang isa sa mga pinakamagagandang message na napakinggan ko. Tinamaan ako sa mga sinabi niya na parang sampal sa aking mukha. Naluha pa ako sa prayer niya. Sobrang saya lang kasi lahat kami masasaya. Laro, tawanan.
Sabi nila nakakaiyak daw ang retreat. Patapos na ang retreat e wala pa naman akong nararamdamang ganoon. Hanggang sa sinabi ni Sir Aviso na magkamayan at maghug daw. Paglingon ko kay Aira (airoock), umiiyak na nang todo. Hindi tuloy ako makapagdecide kung iiyak ba ako o ano, pero naluluha na ako noon kasi halos lahat ng nakikita ko e umiiyak. Mahirap magpakatatag pag ganoon ang atmosphere. TAE, GAGRADUATE NA KAMI! Nalimutan ko ang pagpigil sa mga luha ko nang lapitan ako ni Amea (basangpapel) tapos nagsorry. Hindi ko na kinaya. Doon talaga ako umiyak. Nakakaiyak lalo nang maging ayos na ang lahat sa pagitan namin at nina Kira at Amea. Walang words, basta niyakap niya kami isa isa at alam ko okay na.
It may sound dramatic, pero malaki talaga impact sa akin ng retreat na ito.