
4:45 AM
Badtrip. Natulog kaagad ako pagdating (mga 8pm) sa bahay galing sa school at sa galaan. Gigising dapat ako ng 10pm para asikasuhin ang thesis namin. Nag-alarm ako pero hindi ko alam kung bakit wala akong narinig kaya hindi ako nagising. Nagulat na lang akong alas-kwatro na pala ng umaga. Buti nga nagising ako nang maaga. Ayos, naka-walong oras naman ako ng tulog pagkatapos ng buong linggong puyatan, pero medyo nahihilo pa rin ako. Nakakatakot dito kasi ako pa lang ang gising at sobrang dilim pa (malamang).
Wala ring pinatunguhan ang pag-oovernight ng mga kagrupo ko sa bahay nila Cheska para gawin ang chapter 3 kasi hindi sumama si David (ikilledgoliath). Nasa kanya yung software na gagamitin para sa statistics. Mamaya, nasa DLSU-D naman kami para kumuha ng mga related studies.
Sa mga ganitong panahon, kape talaga ang pinakamatalik kong kaibigan. Gagawa na ako ng mga dapat gawin.