Hi, I’m weak.

Sinabihan ako ng daddy kong sumama sa jogging nila kuya at mommy bukas para naman daw sumigla ang katawan ko. Kailangan daw ito. Wala kasi akong masyadong mga physical activities. Nakakapaglaro lang ako tuwing Intramurals sa school at sa PE namin tuwing Friday.  May alam naman ako sa ibang sports na nalaro ko na tulad ng badminton, volleyball, soccer, basketball, table tennis,  pero I’m not into sports talaga. Hindi ako sporty, pero gusto kong manood ng sports. Since hindi nga ako sporty, hindi ako masyadong nag-eengage sa mga physical activities. I’m such a weakling person. At yun siguro ang gustong sabihin sa’kin ni daddy nung pinilit niya akong sumama sa jogging nina kuya bukas.

Si kuya, conscious yan sa katawan niya. Madalas kong makita yan na nagwowork out. Push ups, sit ups, tapos konting buhat. Nagjajogging din daw siya madalas sa UP. Bibili pa yan ng Men’s Health magazine para sa mga tips kung paano mamaintain ang magandang katawan. At kung may kilala man akong adik sa basketball, siya yun. Kahit ano yatang tungkol sa basketball e alam at magugustuhan nun. Si Julian, nako palagay ko iilan na lang ang sports na hindi niya alam. Manang mana kay daddy. Si mommy, ganoon din.

Kaya ako, si Sofia ang kahiya hiyang myembro ng pamilyang walang alam sa sports.

  1. ohdiba posted this