So today, pinagbigyan ko naman ang sarili kong makapag-unwind ang makapaggala na walang ibang iniisip kundi ang mag-enjoy. Hindi ako dapat sasama sa Trinoma dahil wala naman akong bibilhin. Ayoko na namang maiwan sa bahay mag-isa kaya sumama na lang ako.

Ayoko nang magkwento ng mahaba. Basta nakita ko si Enchong Dee sa Coca Cola + Bench Big Youth Blow Out. Ang gwapo gwapo talaga! Sayang, malayo ako ng isang palapag. Sa susunod talaga malapitan na at makaka-kiss at hug din ako sa kanya. Marami pang ibang artista, yung iba hindi ko kilala.

Wala naman akong balak bumili ng sapatos, pero since lahat sila may bago, nagpabili na rin ako. Nainggit. Lols. Puro sapatos lang ang binili namin, tig-iisa kaming lahat. Yehey! Eto masaya pag sweldo ni daddy e.

1 note
  1. ohdiba posted this