Sabi pa naman ng mommy ko kanina bago ako umalis, huwag daw akong magpapagabi. Um-oo ako dahil wala akong ideya na ganoon pala katagal ang gagawin namin. Hindi na naman ako nakatupad sa usapan at mukhang araw araw kaming ganito sa loob ng isa o dalawang linggo.
Ang hirap ng ginagawa namin. Araw araw kaming pupunta kila Nica (bunsonganak) simula ngayon para pakainin ang mga daga. Idagdag mo pa ang hirap sa pagpapakain kasi sobrang lilikot nila. Minsan, nangangagat pa. Sa isang daga, humigit kumulang anim na minuto ang ginugugol namin. 28 silang lahat. Tatlong oras kaming nagtatrabaho sa kanila sa pagpapakain. Wala pa roon ang paggawa namin ng crude extract na halos umabot din ng mga tatlong oras. Sa sobrang hirap e sinisigawan na namin yung kapitbahay nila Nica na nagkakaraoke. Nakikisabay kami sa kantahan, pero pasigaw. At sa loob ng tatlong oras na pagpapakain e naka-ilang tili ako dahil laging nabibitawan ang daga at natatakot ako. Hindi pala, nandidiri lang. Ayoko kasi sa mga gumagapang na hayop na nakakatusok o nakakakiliti. Natumba pa ako sa upuan dahil sa isang magaslaw na daga. Hawak hawak ko pa man din. Buti na lang may gloves ako at buti na lang hindi nasira yung bangko. Nakakatawa lang every moment kasi si David na walang pakialam ay maraming alam na trivia tungkol sa mga hamsters at nakakatuwa siya kanina. Dapat talaga mag-best thesis kami. Hahaha!