Masayang masaya akong nakapasa ako sa UPCAT (Los Baños, Degree Program with available slot), pero mas masaya kung sa Diliman. Bukod sa nandoon ang kuya ko, mas gusto ko doon kasi sa pananaw ko e mas masaya. Titingkad ang social life ko. Malayo ang Los Baños sa amin at hindi pa ako nakakapunta roon kaya hindi ako pamilyar. Hindi ako marunong pumunta doon, kasi nga hindi pa ako nakakarating. Sa Diliman, ilang beses na.
Nagbrowse ako kanina sa internet upang alamin kung pwede bang ipareconsider yung UPG ko sa UP Diliman (kapag natanggap ko na yung letter). Sad to say, hindi raw tumatanggap ang UP Diliman ng reconsiderations. Nakakalungkot talaga. So kailangan kong mag-aral sa LB ng isang semester tsaka lang ako pwedeng lumipat sa Diliman. Hay, ang hirap siguro nun. Pero sana tumanggap pa rin sila, passer naman ako e. Baka sa mga non-qualifiers lang yung hindi nila tinatanggap. Hihi. Sana may paraan pa. Mas gusto ko talaga sa Diliman e.
Pinoproblema ko rin kung anong course ang kukunin ko kasi hindi ako pumasok sa quota ng Chemical Engineering at Industrial Engineering. Wala na akong ibang course na alam o gustong kunin. Hay nako… Ang hirap naman magcollege o. Lord, help!