Awww. Mga “YEHEEEEEEY! Nakapasa ako sa UP!” pose ninyo kanina! :)
Naghanap ako ng signal sa room habang nagca-Calculus kanina para maka-connect sa Twitter at Facebook upang mabati kayo kahit pa-lowbat na ako noon at oo, nasa harap ko lang kayo noon.
Ayun, success naman. Lahat na ng means ng pagcocongratulate, nagawa ko na. At oo, kailangang malaman ng buong world wide web na nakapasa kayo sa UP, mga mahal kong matalik na kaibigan.
Nalaman ang resulta noong binulungan lang ni Sofia si Marga at baka raw labas na ang resulta ng UPCAT habang nasa ComLab kami at nagchecheck ng mga takdang aralin. Nagulat nalang kami dahil may sumigaw, si Marga at Fia pala ‘yun. Nasa monitor na ni Marga ang page ng UP na may UPCAT results. Nagsigawan na tayo dahil sa mga nakapasa. Lumuha dahil sa joy. Buti si Ma’am, mabait, pirojector pa ang page ng UPCAT. Walang problema sa amin kahit hindi kami nakapasa (ang iba at kasama na ako) dahil sa sobra naming saya para sa mga nakapasa.
Congratulations muli, Sofia, Lizbeth at Reinielle! I love you at sobrang proud ako slash kami sa inyo. :)
Ngiting abot langit :)
NEED UPCAT STUFF IN MY BLOG SO NO ONE WILL EVA 4GET. =)))))))
Ngiting abot langit