Today, I just received the biggest news of my life.

Nasa computer lab kami kanina. Tamang tama, may internet. All of a sudden, pinacheck ko kay Marga (nihaniho) sa Tumblr ang mga naka-tag sa UPCAT. Nagulat ako kasi nakita kong may post na “UPCAT Results are now out.” Nagpanic kaagad ako. Pagka-click ni Marga nung link, “Shet, totoo! May results na nga!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kahit na nagkaklase si ma’am ay medyo napasigaw ako at tinawag ko si Lizbeth. Una naming tiningnan ang pangalan ni Lizbeth (dakilangtamad). Ang galing, genius! UP Diliman tapos pasado pa sa first choice ng course. Sobrang nakaka-proud ka!

Ayoko pa talagang tingnan yung akin nung una kasi hindi ko kaya. Pakiramdam ko maiiyak ako pag hindi ko nakita pangalan ko dun. Dahil sa pagpipilit nila, tiningnan na namin. At nang dumating na ang moment, pikit mata ako, kinakabahan, tapos nakarinig ako ng sigawan. Pagmulat ko, nakita ko ang pangalan ko. Rodelas, Sofia Ubaldo!!! Naluha ako. Tae, first time kong maluha sa sobrang kaligayahan nun ah.

Na-overwhelm ako sa mga warm hugs, sa mga congratulations, sabay sasabihan ka pa ng “I’m so proud of you!”. Iba ang feeling. Pure happiness. Hindi maipaliwanag, hindi ko mailapat sa mga salita.

Medyo na-sad lang ako kasi dalawa lang kaming nakapasa. :( Tapos hindi ako pasado sa Diliman. Medyo ayoko pa naman sa Los BaƱos kasi liblib tsaka tahimik daw dun. Sana pwedeng pakiusapan na sa Diliman na lang ako, para magkasama kami ni Lizbeth at ni kuya.

Basta masaya ako! Salamat sa lahat ng bumati. Tae, kaiyak.

  1. ohdiba posted this