Wala pa rin kaming JS. :’(

Napakadaya naman talaga ng pagkakataon oo. Kung kailan 4th year na kami at huling taon na namin sa high school, hindi pa rin natuloy ang pinaka-inaabangang JS Promenade. Pinaplano na sana namin e, kaso marami raw utang yung ibang mga estudyante, mga accounts na hindi pa nababayaran. Hindi pumayag ang principal namin kasi baka raw hindi na kayanin yung gastos. Eh, ang daya. Wala na nga last year, wala pa rin ngayon. Hindi na namin mararanasan forever. :(

Nagtanong si mommy nitong nakaraan tungkol dyan sa JS na yan. Hindi ako makasagot. Ayoko kasing sabihing wala, baka may pag-asa pa. Excited kasi siya para sa akin. Hindi niya kasi naranasan since hindi pa yata uso iyon noon. Nagsugarcoating na lang ako at sinabi kong baka sa February, pagkatapos ng Intrams.

Magkakaroon daw ng Seniors’ Ball, kapalit ng JS Prom. Hindi ako naeexcite. Parang ang lame kasi, puro seniors lang. Mas masaya kapag JS. Hay nako.

  1. ohdiba posted this