Wala akong magawa kundi tingnan lang at sabihan ng “Babalikan kita pag kasama ko na mommy ko o kaya pag may naipon na ‘ko” ang mga magagandang damit at mga sapatos na nakita ko kanina habang nagwiwindow shopping kaming magkakaibigan sa SM Dasmariñas. Para akong sinampal ng mapait na katotohanang wala akong pera at mukhang parati na lang ganito. Kaya nga isa sa mga New Year’s resolution ko ang maging mas matipid. Matipid naman talaga ako. Ang problema, pag medyo nakaipon na, gagastusin din kaagad tapos kadalasan puro sa pagkain lang.
Napakarami kong gustong bilhin at pagkagastusan kaya lang hindi ko magawa kasi kulang ang ipon ko at ayaw ko namang iasa ang mga ito sa mga magulang ko. Maliit lang kasi ang baon ko sa isang araw at kaunti lang ang naiipon koat ang dami ko pang utang.
Pag nag-18 na ako, pipilitin kong makapagpart-time job para may pambili ako ng mga damit, sapatos at mga accesories, pangnood ng mga concerts, pambili ng albums ng mga paboritong banda o kaya classics, gadgets, at kung anu ano pang mga ek ek.