Nanliit ako sa family reunion namin. Meron akong mga pinsangĀ 3rd year high school pa lang mas matangkad pa sa amin ni kuya. Meron ngang grade six pa lang e mukhang malapit na yata akong maabutan. Ang unfair naman ng lahi namin. Pili lang ang mga biniyayaan ng height. Akala ko i’m tall enough na pero nung nandoon ako sa reunion, narealize kong maliit pa rin pala ako.
Pag tinatanong nila ako kung anong year ko na, at pag sinabi kong 4th year high school na ako, magugulat sila na parang hindi makapaniwala na ewan. Hindi ko tuloy alam kung compliment ba yun o criticism. Baka baby face lang ako o sadyang maliit at mukhang immature para sa isang 4th year student. Mukha yata akong 1st year e.
Nagpabili ang kapatid kong maliit din ng Cherifer PGM. Ayun, nakiki-inom din ako. Effective raw yun e, sabi nila. Tingnan natin.
Height is might!