Matagal tagal na naming pinagpaplanuhang pumunta sa Ilocos. At last, natuloy rin. Gusto kong ishare sa inyo ang ganda ng Ilocos.

Vigan Heritage Village
Ang cool ng mga bahay rito. Gusto ko pa naman ng mga antique, kaya gandang ganda ako rito. Gabi kami nakarating kaya mas masarap sa mata. Lumang luma yung mga bahay. Para tuloy akong nagtime travel sa panahon ng mga Kastila.

Bell Tower
Isa lang ang masasabi ko… Nakakalula! Hahaha! Umakyat kami dyan at medyo nakakatakot kasi parang mapurok na yung mga hagdan. Dyan daw shinooting yung unang Panday.

National Museum (Padre Burgos House)
Ang ganda ng bahay at kalesa niya. Naalala ko yung mga pinag-aralan namin sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo nung naglilibot kami dyan sa bahay niya.

Baluarte
Open zoo ito. Walang entrance fee dyan. Ang sarap ifeed ng camel. Kaunti lang naman ang mga hayop compared sa ibang zoo.

Paoay Sand Dunes
Dumaan lang kami dyan at nagpicture sila. Hindi na ako bumaba sa sasakyan kasi baka mapuwing ako. Syempre, mabuhangin at medyo mahangin pa. Hindi na kami nakalibot kasi occupied na rin yung sasakyan na para dyan sa sand dunes. Nagshooting din daw dyan yung Panday. Ang sweet ng mommy at daddy ko ‘no.

Cape Bojeador Lighthouse
Ang hangin dito. Hindi na puwedeng pumasok sa lighthouse kaya dun lang kami sa labas, nag-overview sa buong Ilocos Norte.

Bangui Windmills
Sobrang hangin!

Pagudpud White Beach
Kung nagtataka kayo kung bakit ako naka-long sleeves, ang lamig diyan. Mahangin din kasi malapit sa windmills. Hindi nga ako nagtangkang maligo kasi madali akong ginawin. Ang dami ring mga turista. Sana bumalik kami rito sa summer.

Marcos Museum and Mausoleum
Lalo kong hinangaan si Marcos pagkatapos naming makapunta rito. Nakita ko yung katawan niya. Sa museum, syempre nakalagay doon lahat ng achievements niya, buhay niya, lahat. Ang talino niya, ang galing niya. Ang problema lang e naging abusado sa kapangyarihan.

Ilocos Sur Tourist Spot
Badtrip yung pangalan nung lugar e. Akala ko kung anong tourist spot, yun pala yung bridge lang na yan. Anyway, masaya magpicture dyan. Medyo nakakatakot at nakakalula nga lang.
Ito ang pinakamasayang bakasyon ko, so far. Ang dami kong napuntahan sa loob lang ng tatlong araw. Sana talaga makabalik ulit kami dyan.