Isang taon na naman ang nagdaan. Eto, maganda pa rin ako. De, joke. Serious na, serious. Pag nagbabalik tanaw ako, masyado akong na-ooverwhelm sa mga magagandang nangyari sa akin sa buong taon. Wala nga akong naaalalang hindi magandang nangyari sa akin e.
Ngayong taon feeling ko mas naging close kaming magkakapatid. Kahit na madalas kaming magtalo nina Kuya at Julian, okay lang kasi parang yun na rin ang bonding namin. Pagkatapos ng away, tatawanan lang namin ang isa’t isa.
Ang laki ng naicontribute ng mga kaibigan ko sa pagkakaroon ko ng masayang 2011. Wala, ang saya ko lang kasama sila. Forever hindi ako magsasawa sa kanila.
First time ko rin mainis nang todo sa isang tao this year. Alam na kung sino yon. First time na may makipagtalo sa akin na lalake. Anyway, nagpapasalamat na rin ako sa kanya kasi na-entertain niya ako kahit papaano. Binigyan niya ng kaunting spice ang internet life ko. Lulz.
Marami akong bagong natutunan katulad ng kung paano magbake ng peanut butter cookies. Hehehe! Maraming bagong experience lalo na’t 4th year na ako.
Sa dami ng sinabi ko, di ko na alam ang point ng post na ito. Basta, eto na lang: Magpasalamat tayo sa lahat ng blessings na dumarating. Iwan na lahat ng hindi magagandang alaala at dalhin ang mga natutunan. Mag-ingat tayo! Aylabyu! HAPPY NEW YEAR!