Ang daming pagkain dito sa bahay, puro desserts, puro matatamis. Buko pandan, leche flan, gelatin, ice cream. Wala akong pakialam sa gelatin na bigay ng kapitbahay. Sila na bahalang umubos nyan. Hindi ako nasasarapan e. Pero yung buko pandan, leche flan at ice cream? Oh my. Favorites ko yan. Pag magbubukas ako ng ref, iisipin ko muna kung anong kukuhanin ko. Mahirap magdecide. Plus, ang dami pang mga sari-saring tsokolate rito kasi kararating lang ni daddy galing Singapore. Ito ang pinakamasarap na Pasko ko. Masarap, as in foods.
Hindi ako mamomroblema na sasakit ang ngipin at lalamunan ko kasi malakas ang tolerance ko sa sweets. Hehe! De, tubig lang yan. Hindi rin ako tataba kahit gusto ko kasi hindi ako mabilis tumaba.