Ang Pasko ko, walang pinakamasaya, wala ring malungkot. Halos pare-pareho lang ang pagdiriwang namin ng Pasko taun taon. Ang nagbabago lang ay yung mga handang pagkain, tsaka kung magkano ang nakuha kong aginaldo. Kaya wala pa akong masasabing “best Christmas” ko, kasi so far, pare-pareho namang naging masaya ang lahat ng Paskong nagdaan.

Laging masaya kasi buo kaming pamilyang nagsasalu-salo sa Noche Buena. Laging umuuwi si daddy galing Singapore tuwing Pasko.

Ngayong taon, nabawasan yung level ng kasiyahan. Kagabi, hindi kami sabay sabay na nakakain kasi nagsitulog kaagad sila mommy at daddy. Pagod kasi. Puro tulog lang ako ngayong araw. Hindi na ako namasko, nakakahiya na e. Ang laki laki ko na. Dun na lang ako sa ninang ko nakapamasko. Buti nga may natanggap pa ako e. Pero masaya yung lunch with neighbors.

Ayan, merry Christmas ulit, galing sa Rodelas family. Mehehehe!

  1. myhubbyisazombie said: Julian Paknot Kulangot. Hahahahha.
  2. ohdiba posted this