
Isang oras na akong nakatitig dito e wala pa rin akong napost. Magpopost sana ako tungkol dun sa lalaking nagsabing nakain na raw ng internet yung utak namin kaso, wala akong maisip sabihin. Baka nga kasi nakain na ng internet yung utak ko. Tsaka Pasko na. Ayoko na MUNA ng gulo. Next year naman ulit, break muna tayo dyan sa “online war” natin. Ang tagal na kasi naming inaasam yung personal na pakikipag-usap, hindi pa rin kami mapagbigyan. Hanggang status lang siya e.
Anyway, babati na lang ako nang maaga-aga. Maligayang Pasko sa inyong lahat! Dalangin ko’y maging masaya ang pagsalubong natin sa Kanyang kaarawan, kahit na may mga problema pa tayo. Isantabi na muna yan. Ang daming pagkain oh! Hindi pwedeng mawalan ng appetite lalo na sa mga ganitong okasyon. Sa mga gusto ng pamasko, marami kaming tsokolate rito galing pang Singapore. Dumaan lang kayo dito sa tapat ng bahay namin, at tawagin niyo ang aking pangalan. TA niyo ‘ko para sa address. LOL.