Naiinis lang ako. Hindi ako galit.
Reply lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay. Hindi excuse yung walang load. Maraming ibang paraan. Yung pakiramdam na naghintay ako sa Robinson’s kanina sa mga kagrupo ko tapos wala rin namang nakasama. Yung magreply man lang sana na, “Sorry, hindi ako makakasama” ayos na e, kesa yung paghintayin ako sa wala. Mag-isa lang ako sa grupo naming pumunta sa CAVSU. Nagmukha pa akong tanga doon kasi may konting problema sa study namin. Nalulula ako sa mga pinagsasabi nina Dr. Saldaña at nung isa pang veterinarian. Hindi raw kasi pwede yung mismong study namin kaya kailangang baguhin. Muntik pa akong maiyak doon kasi hindi ko na maintindihan kung anong dapat gawin sa dami ng mga sinasabi nila. Masakit sa ulo. Tapos wala man lang akong kasama na pwede akong tulungang mag-isip. Ngarag ngarag pa sa pagcontact ng mga groupmates. Wala akong kaload load, naghanap ako ng magpapasa sa akin para makapagsulitxt ako. Nagtext ako, nagpapa-search lang sa internet, wala pa ring nagreply. Kung hindi ako kinomfort nung mga kaklase ko na, “Wag ka mag-alala. Nandito lang kami. Magtiwala ka sa grupo nyo.” maiiyak na ako dun. Iniisip ko pa lang na magchechange topic!!! TANGINA. Tapos wala man lang akong kahit sino na makakaramay sa ganoong feeling kasi yung dalawang grupo na kasama ko, okay na pareho. Bukas na nga sila mag-eexperiment e.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Ako lang ang nag-aalala, ako lang ang may pakialam sa kinabukasan ng research namin na ‘to. Parang wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko. Hindi naman siguro, pero yun ang nararamdaman ko. Yun ang pinaparamdam nila sa akin. Nakakasama ng loob. Yung effort ko sa lahat, haaayy. Yung gastos ko lang ang laki na e, bukod pa dun sa contribution namin. Yung pamasahe namin papuntang South Mall at Festival Supermall na lampas isandaan para lang makabili ng mga hasmters na yan. Tapos yung pamasahe ko papuntang CAVSU na halos umabot na rin ng isandaan. Naubos na yung pera kong ipambibili ko sana ng sapatos. :(( Tapos pagdating ko pa rito sa bahay, sasalubong sa akin yang mga mababahong hamsters na yan na kailangan kong pakainin at palitan ng kusot. Parang pag-ibig lang yan, nakakapagod pag mag-isa ka lang na nag-eeffort. Pagod na ako.
Naiintindihan ko naman na hindi pinapayagan ng magulang, mga ganung bagay. Ako rin naman e. Hindi naman ganun kaluwag yung parents ko gaya ng akala niyo, pero pinipilit ko. Para sa grade ‘to e. Pero kahit moral support lang okay na. Kahit itext lang ako na, “Fia, kumusta naman yung research? Yung mga hamsters?” Kahit magreply lang sa tuwing magtetext ako para di naman ako naghihintay sa wala.
Akala ko makakapagpahinga na ako ngayong bakasyon. Hindi pa rin pala. Puro stress pa rin. Buti nagawan ng paraan ni Ms. Mojica na hindi na namin babaguhin yung study kasi nacontact niya yung MedTech sa La Salle na tutulong sa amin. Thank you Lord! Hindi nga pala ako dapat mawalan ng pag-asa. Yun na lang ang meron ako e.
At naniniwala akong pag walang hirap, walang sarap.