Gusto kong makumpleto ang simbang gabi, for the second time. Hindi para magwish. Gusto ko lang umupo, magpasalamat, makinig sa sermon nang may matutunan ako. Baka sakaling mabago o maimprove pa ang pag-uugali kong ito. Katulad kanina, may narealize ako. Yang mga wish wish na yan, kanina ko nga lang narealize, ay isang napakababaw na rason para magsimba. Although honestly, meron talaga akong nag-iisang wish ngayong Pasko at sobrang kailangan ko ito. Pero hindi ko na iniisip yun. Alam na naman ni Lord ang mga kagustuhan at kahilingan ko, at kahit hindi ko makumpleto ang simbang gabi, kung para sa akin talaga yung hinihiling ko, ipagkakaloob Niya yun. Matupad man o hindi, mas maganda ang plano Niya kaysa sa gusto ko.