yehey bakasyon na

Maganda ang simula ng bakasyon. Nagising ako nang maaga at nakapaglinis ng kwarto. Sa wakas. Galit na galit na sa akin ang kwarto ko kasi ilang linggo na siyang nanggigitata sa alikabok dahil hindi ko na nalilinis sa dami ng ginagawang school works.

Ngayon naman, hindi ko na mabitawan ang librong Looking for Alaska by John Green na hiniram ko kay Aira (airoock). Ang galing lang kasi, nakaka-relate ako. Susubukan ko itong tapusin hanggang bukas kasi sa Monday raw dapat maisauli ko na. Hopefully, matapos ko na ring basahin yung hiniram ko kay Marga (nihaniho) bago matapos ang bakasyon.

And yeah, wala akong balak gawin kundi magbasa ng magbasa, at manood na rin ng mga movies na nakatambak sa hard drive ko.

posted 5 months ago