Sana sa susunod overnight na.

Feel na feel ko ang pagiging 4th year ko kagabi. Ilang araw na rin kaming ginagabi ng uwi, pero kagabi ang pinaka-late.

Dahil sa shooting na hindi matapos tapos, 10pm na kami umalis sa bahay nila Mong. Buti nga pinayagan ako umalis ng bahay na gabi na. 6:00 ako umalis sa bahay.

Pagdating doon, tambay tambay muna habang nagshushooting sila Lizbeth at Jayson. Wala pa kasi si Herman kaya nanood muna kami ng The Champ. Umiyak ulit ako. Haha! Tapos Clash of the Titans naman. Pero ‘di ko natapos kasi nagshooting na kami. Buti nga hindi ganoon katagal ang shooting, kaunting take lang, natapos kaagad. Nakakatuwa sina Carlo, Jayson at Rona, doon pa sila gumawa ng project, habang si David nagtTumblr. Ang cool nga e, naggroup study sila (yung totoong group study) habang nagshushoot kami. Ang ganda ng ambiance ng bahay nila Moriah. Medyo madilim pero student-friendly. Hehehe! Tapos yun, nagdinner kami.

Biglang nagtext yung nanay ko. Sabi, “Nasaan ka na? Pelikula ba yang shinushooting niyo at hindi ka pa umuuwi?” Natawa naman ako. Hahaha! Buti pauwi na ‘ko nung nagtext siya.

Nagpaalam na kami. Sabi pa ng mommy ni Mors, “Nasanay na kayong gabing gabi, nasa kalye pa.” So ayun, sabay sabay kaming umuwi, sampu kami. Nagtatakutan pa habang naglalakad palabas sa Via Verde. Actually, yung iba nakisama lang. Nagpagabi sila kahit hindi naman kasali sa shooting.

Pag-uwi, hindi ako pinagalitan. Sinalubong pa nga ako ng nanay ko tapos tinuro sa akin yung buwan na pula. May eclipse raw. Hahaha.

  1. ohdiba posted this