February 2012
12 posts
1 tag
Tell me how long it takes to take it back, take it...
Gagi, bat naman kasi malulungkot, pwede namang mag-start all over again? Manderp ulit. (sa ibang tao naman. hahahaha) Masaya talaga noong una. So, let’s be merry again, sabi ni Yazhmin.
Sana pwedeng irewind ang buhay. le drama yuck ew
1 tag
Bakit kailangang maging ganito? Bigla na lang naging dramatic ang lahat. Masaya naman kami noon. Masaya, as in masaya. :/
1 tag
Every single day
“Mag-oonline lang ako saglit”…
Then I end up doing nothing. Na-stock na ako sa Filipino project. Tatlong araw ko nang tinatry tapusin pero hindi man lang ako umuusad. Paano, hindi na ako makaalis sa Facebook once na nabuksan ko na. Gagi, lalo na pag ganito. Buti na lang lampas kalahati na. Kaunti na lang matatapos ko na ‘to.
Badtrip kasi. Hindi ako makapagfocus. Hindi na...
1 tag
Anonymous asked: We're sorry for the hearts we broke. At least some of us.
9 tags
2 tags
Ang buhay ko'y may kinakikiligan na ulit.
Matagal-tagal din akong nagpahinga dyan sa mga kilig kilig at crushes na yan. Ngayon na lang ulit ako naging interesado sa isang tao… sa isang lalake. Schoolmate ko siya. Mahabang storya kung paano nagsimula pero nakakatawa kung iisipin. (Hindi ko maaaring ikwento kasi mahirap na.) Wala lang naman ito noong umpisa, pero mukhang sineseryoso na namin. Kung nagtataka ka kung bakit...
2 tags
Kaunting kaunti na lang, college na kami.
Dumating na ang letter ko galing sa UPLB. Habang binabasa ko iyon ay nararamdaman ko ang nalalapit naming pagpasok sa kolehiyo. Parang malayo pa, pero dalawampu’t limang araw na lang ang itatagal namin sa high school. Napakabilis ng mga pangyayari.
Kanina, naiwan kami ni Kenneth (monggoseed) sa jeep at napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyan. Napasarap nga ang kwentuhan namin,...
2 tags
Seniors' Retreat
Habang gumagawa ako ng narrative report tungkol dito, mabilis na nagsibalikan ang mga alaala ko noong ika-9 ng Pebrero.
Retreat? Boring.
Yan ang madalas na bukambibig ng mga estudyante, kasama na ako. Simula noong 2nd year na nagkakaroon kami ng spiritual retreat, hindi ako ginaganahan kasi ano bang nakakagana sa pakikinig ng message ng pastor (matutulog lang naman ako) at pagconduct play na...
2 tags
1 tag
Ang laki ng problema ng mga kabataan (kasama ako, sige na nga) ngayon porke malapit na ang Valentine’s. Kesho single sila at walang ka-date. Naiinggit sa mga may syota. Isang araw lang naman yun, sus. Buti ka pa, yan lang ang problema mo.
Sana walang pasok sa February 14 para makapagdate ang mga gustong magdate. Basta ako, tulog lang ang gusto ko.
6 tags
Hi, I'm weak.
Sinabihan ako ng daddy kong sumama sa jogging nila kuya at mommy bukas para naman daw sumigla ang katawan ko. Kailangan daw ito. Wala kasi akong masyadong mga physical activities. Nakakapaglaro lang ako tuwing Intramurals sa school at sa PE namin tuwing Friday. May alam naman ako sa ibang sports na nalaro ko na tulad ng badminton, volleyball, soccer, basketball, table tennis, pero I’m not...
January 2012
22 posts
2 tags
1 tag
So today, pinagbigyan ko naman ang sarili kong makapag-unwind ang makapaggala na walang ibang iniisip kundi ang mag-enjoy. Hindi ako dapat sasama sa Trinoma dahil wala naman akong bibilhin. Ayoko na namang maiwan sa bahay mag-isa kaya sumama na lang ako.
Ayoko nang magkwento ng mahaba. Basta nakita ko si Enchong Dee sa Coca Cola + Bench Big Youth Blow Out. Ang gwapo gwapo talaga! Sayang, malayo...
3 tags
3 tags
1/7 Unang araw ng pagpapakain sa mga daga
Sabi pa naman ng mommy ko kanina bago ako umalis, huwag daw akong magpapagabi. Um-oo ako dahil wala akong ideya na ganoon pala katagal ang gagawin namin. Hindi na naman ako nakatupad sa usapan at mukhang araw araw kaming ganito sa loob ng isa o dalawang linggo.
Ang hirap ng ginagawa namin. Araw araw kaming pupunta kila Nica (bunsonganak) simula ngayon para pakainin ang mga daga. Idagdag mo pa ang...
2 tags
Sana pwedeng pakiusapan na sa Diliman na lang ako.
Masayang masaya akong nakapasa ako sa UPCAT (Los Baños, Degree Program with available slot), pero mas masaya kung sa Diliman. Bukod sa nandoon ang kuya ko, mas gusto ko doon kasi sa pananaw ko e mas masaya. Titingkad ang social life ko. Malayo ang Los Baños sa amin at hindi pa ako nakakapunta roon kaya hindi ako pamilyar. Hindi ako marunong pumunta doon, kasi nga hindi pa ako nakakarating. Sa...
4 tags
2 tags
2 tags
Wala pa rin kaming JS. :'(
Napakadaya naman talaga ng pagkakataon oo. Kung kailan 4th year na kami at huling taon na namin sa high school, hindi pa rin natuloy ang pinaka-inaabangang JS Promenade. Pinaplano na sana namin e, kaso marami raw utang yung ibang mga estudyante, mga accounts na hindi pa nababayaran. Hindi pumayag ang principal namin kasi baka raw hindi na kayanin yung gastos. Eh, ang daya. Wala na nga last year,...
1 tag
Exam ko pala bukas sa La Salle.
Dapat tulog na ako kasi maaga pa akong gigising bukas. Ba naman, atat na akong magcomputer. Buong araw akong wala sa bahay dahil nag-MegaMall kami. Naks, sobrang busy ngayong weekend ah.
Ngayon na lang ulit ako nakarating sa MegaMall after ages. Hahaha! Like 3 years? Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling pumunta doon. Share ko lang.
Since ang tagal lumabas ng UPCAT results, mag-eentrance...
1 tag
13th
Hindi naging malas ang araw ko. Kahit kailan hindi pa naman ako nakakaranas ng kamalasan tuwing Friday the 13th. Gawa gawa lang ‘yan. Although bumaba ako sa ranking. Okay lang, may isang grading pa para bumawi. Sana nga makabawi pa. Yung grade ko talaga sa English, nahihirapan akong pataasin. Sucks.
Nag-adik kami sa Drum Mania sa Tom’s World sa SM Dasma. Muntik na akong mapagalitan...
1 tag
Wala pa akong nagagawang maganda ngayong weekend. Ibig kong sabihin sa maganda, may kinalaman sa school. Hindi na ako nakapagbasa kahapon dahil masyado ngang nadepress sa Koizora. OA ba? Naapektuhan talaga ‘ko e.
Dahil dyan, gagawa na ako ng report ko sa Physics. Kami ang unang grupong magrereport. Buti na lang madali-dali ang napuntang topic sa amin. Pinoproblema ko lang e kung paano ako...
2 tags
1 tag
Kung umuulan lang sana ng pera e.
Wala akong magawa kundi tingnan lang at sabihan ng “Babalikan kita pag kasama ko na mommy ko o kaya pag may naipon na ‘ko” ang mga magagandang damit at mga sapatos na nakita ko kanina habang nagwiwindow shopping kaming magkakaibigan sa SM Dasmariñas. Para akong sinampal ng mapait na katotohanang wala akong pera at mukhang parati na lang ganito. Kaya nga isa sa mga New...
Marami akong mga bagong finollow. Awesome blogs na nakita ko sa pablog ni probinsiyano. Share ko lang.
1 tag
Magpapatangkad ako.
Nanliit ako sa family reunion namin. Meron akong mga pinsang 3rd year high school pa lang mas matangkad pa sa amin ni kuya. Meron ngang grade six pa lang e mukhang malapit na yata akong maabutan. Ang unfair naman ng lahi namin. Pili lang ang mga biniyayaan ng height. Akala ko i’m tall enough na pero nung nandoon ako sa reunion, narealize kong maliit pa rin pala ako.
Pag tinatanong nila ako...
7 tags
Biyaheng Norte
Matagal tagal na naming pinagpaplanuhang pumunta sa Ilocos. At last, natuloy rin. Gusto kong ishare sa inyo ang ganda ng Ilocos.
Vigan Heritage Village
Ang cool ng mga bahay rito. Gusto ko pa naman ng mga antique, kaya gandang ganda ako rito. Gabi kami nakarating kaya mas masarap sa mata. Lumang luma yung mga bahay. Para tuloy akong nagtime travel sa panahon ng mga Kastila.
Bell Tower
...
1 tag
Malapit na lumabas ang UPCAT results.
Siguradong marami na ang kinakabahan at nagdarasal dyan. Isa na ako roon. Tangina, kinakabahan na talaga ako. Seryoso, ang lakas ng kabog ng dibdib ko simula pa kaninang umaga. Nakaka-kaba lalo kasi pati sina Kuya at daddy inaabangan yung resulta. Alam kong hindi na dapat ako umaasa kasi almost a half nung exam, hinulaan ko lang. Pero pangarap ko talagang...
December 2011
24 posts
3 tags
Babayaran ko na lahat ng utang ko. Utang-free...
3 tags
1 tag
airoock asked: Happy New Year, Ohdiba! I love you :*
3 tags
Happy New Year!
Isang taon na naman ang nagdaan. Eto, maganda pa rin ako. De, joke. Serious na, serious. Pag nagbabalik tanaw ako, masyado akong na-ooverwhelm sa mga magagandang nangyari sa akin sa buong taon. Wala nga akong naaalalang hindi magandang nangyari sa akin e.
Ngayong taon feeling ko mas naging close kaming magkakapatid. Kahit na madalas kaming magtalo nina Kuya at Julian, okay lang kasi parang yun na...
3 tags
2 tags
Ang daming pagkain dito sa bahay, puro desserts, puro matatamis. Buko pandan, leche flan, gelatin, ice cream. Wala akong pakialam sa gelatin na bigay ng kapitbahay. Sila na bahalang umubos nyan. Hindi ako nasasarapan e. Pero yung buko pandan, leche flan at ice cream? Oh my. Favorites ko yan. Pag magbubukas ako ng ref, iisipin ko muna kung anong kukuhanin ko. Mahirap magdecide. Plus, ang dami pang...
3 tags
2 tags
Karaniwang rant tuwing Pasko: Hindi ako...
Parang ako lang ngayon. Binlock ako ng 8888. :/
4 tags
Totoo pala talagang first love never dies.
Tengeneng JJ yan. Siya ang unang lalakeng hindi nakapagpatulog sa akin sa gabi. Actually, siya pa lang naman yata ang nakakagawa sa akin non. Yung iba, hindi kasing todo ng tama ko sa kanya. Grade 6 pa lang yata ako noon.
Pag naaalala ko talaga yung sarili ko noong inlab ako sa kanya, hindi ko maiwasang matawa. Hindi ako agad makatulog sa gabi, lagi kong winiwish na mag-umaga na para makita ko na...
1 tag
2 tags
Awkward experience a while ago
I was furtively staring at my crush the whole time I was there, then I noticed his mom just next to him looking at me with an I-don’t-know-what-it-meant smile drawn on her face. Damn, she caught me staring at his son. You can’t blame me. His handsome and innocent face is just so irresistible. That was a very awkward moment. I panicked. What to do, what to do. My facial muscles started...
1 tag
3 tags
Hay nako...
Naiinis lang ako. Hindi ako galit.
Reply lang naman ang hinihingi ko, hindi pa maibigay. Hindi excuse yung walang load. Maraming ibang paraan. Yung pakiramdam na naghintay ako sa Robinson’s kanina sa mga kagrupo ko tapos wala rin namang nakasama. Yung magreply man lang sana na, “Sorry, hindi ako makakasama” ayos na e, kesa yung paghintayin ako sa wala. Mag-isa lang ako sa grupo...
2 tags
Jesus, I’m not going to be one of those people who sits around talking...
– Alaska (Looking for Alaska by John Green)
2 tags
Gusto kong makumpleto ang simbang gabi, for the second time. Hindi para magwish. Gusto ko lang umupo, magpasalamat, makinig sa sermon nang may matutunan ako. Baka sakaling mabago o maimprove pa ang pag-uugali kong ito. Katulad kanina, may narealize ako. Yang mga wish wish na yan, kanina ko nga lang narealize, ay isang napakababaw na rason para magsimba. Although honestly, meron talaga akong...
2 tags
yehey bakasyon na
Maganda ang simula ng bakasyon. Nagising ako nang maaga at nakapaglinis ng kwarto. Sa wakas. Galit na galit na sa akin ang kwarto ko kasi ilang linggo na siyang nanggigitata sa alikabok dahil hindi ko na nalilinis sa dami ng ginagawang school works.
Ngayon naman, hindi ko na mabitawan ang librong Looking for Alaska by John Green na hiniram ko kay Aira (airoock). Ang galing lang kasi,...
2 tags
Team P.E. uniform!
“Bakit hindi kayo nakabihis?” -Mrs. Mojica
E ano pong tawag niyo sa suot namin, ma’am? Haha! De, joke. “‘Di na uso yun!” sagot nila.
Kumusta naman ang Christmas party ng Einstein na naka-PE uniform lang kanina? Aaahh! Naka-PE! Ang poporma nung iba tas kami… Hahaha! Pinagtatawanan kami ni Sir Geneveo, inaasar pa, pero okay lang. Astig nga e, kami lang...
3 tags
Badtrip, nakakatamad.
Ngayon ko lang ginawa ‘to. Dati, hindi ako nagcocomputer hangga’t hindi pa ako tapos magreview. Hindi ako ‘to. Dalawang subject pa ang kailangang tapusin. Mahirap pa naman ang Filipino. Ang daming babasahin. Mamaya magpupuyat na naman ako. Gosh! Hindi ako ‘to. Hindi ako ganito dati. Masipag ako. Hindi ako ‘to.
Kung sino ka mang sumasapi sa katawan ko, peste ka. Pag...
3 tags
Sana sa susunod overnight na.
Feel na feel ko ang pagiging 4th year ko kagabi. Ilang araw na rin kaming ginagabi ng uwi, pero kagabi ang pinaka-late.
Dahil sa shooting na hindi matapos tapos, 10pm na kami umalis sa bahay nila Mong. Buti nga pinayagan ako umalis ng bahay na gabi na. 6:00 ako umalis sa bahay.
Pagdating doon, tambay tambay muna habang nagshushooting sila Lizbeth at Jayson. Wala pa kasi si Herman kaya nanood...