Ayokong makakita ng kahit anong may kinalaman sa JS Prom.

Nakakainggit. Isang bagay na hindi ko na maeexperience ever. Bitter na ‘ko.

1 note

albinogenitals:

everyday

Not really feeling that way, but I liked the last sentence. :)

(Source: slutsweat)

62,107 notes
REBLOGGED godonghae 2 days ago (ORIGINALLY slutsweat)

So today, pinagbigyan ko naman ang sarili kong makapag-unwind ang makapaggala na walang ibang iniisip kundi ang mag-enjoy. Hindi ako dapat sasama sa Trinoma dahil wala naman akong bibilhin. Ayoko na namang maiwan sa bahay mag-isa kaya sumama na lang ako.

Ayoko nang magkwento ng mahaba. Basta nakita ko si Enchong Dee sa Coca Cola + Bench Big Youth Blow Out. Ang gwapo gwapo talaga! Sayang, malayo ako ng isang palapag. Sa susunod talaga malapitan na at makaka-kiss at hug din ako sa kanya. Marami pang ibang artista, yung iba hindi ko kilala.

Wala naman akong balak bumili ng sapatos, pero since lahat sila may bago, nagpabili na rin ako. Nainggit. Lols. Puro sapatos lang ang binili namin, tig-iisa kaming lahat. Yehey! Eto masaya pag sweldo ni daddy e.

1 note

Dahil ang pangit ng mukha ko ngayon, jawline na lang ang ipapakita ko. Hehehe! Maganda raw ang jawline ko sabi ng mga kaibigan ko. Feeling ko normal lang naman ang jawline ko at kaya lang nila nasabi yun kasi matataba ang mga mukha nila kaya hindi ganoon ka-prominent ang kanilang jawline.

Anyway, hindi tungkol sa aking jawline ang gusto kong ipost. Ngayon lang ako na-bother sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin kanina at naka-focus lang ako sa mukha ko. Siguro mga 10 minutes yun na pagbubusisi. Ang dami ko na palang pimples at white heads. Nakakadiri; ang dumi ng peys ko. Kung wala itong mga ‘to, mas magiging maganda pa siguro ako. (lol)

Hindi ko naman kayang hindi mag-take ng caffeine kasi I can’t live without it. Hindi ko rin maiwasang magpuyat. Ayoko pang magpa-facial kasi masakit yun at hindi pa matured enough ang skin ko para doon. May iba pa bang paraan para maging makinis?

3 notes

1/7 Unang araw ng pagpapakain sa mga daga

Sabi pa naman ng mommy ko kanina bago ako umalis, huwag daw akong magpapagabi. Um-oo ako dahil wala akong ideya na ganoon pala katagal ang gagawin namin. Hindi na naman ako nakatupad sa usapan at mukhang araw araw kaming ganito sa loob ng isa o dalawang linggo.

Ang hirap ng ginagawa namin. Araw araw kaming pupunta kila Nica (bunsonganak) simula ngayon para pakainin ang mga daga. Idagdag mo pa ang hirap sa pagpapakain kasi sobrang lilikot nila. Minsan, nangangagat pa. Sa isang daga, humigit kumulang anim na minuto ang ginugugol namin. 28 silang lahat. Tatlong oras kaming nagtatrabaho sa kanila sa pagpapakain. Wala pa roon ang paggawa namin ng crude extract na halos umabot din ng mga tatlong oras. Sa sobrang hirap e sinisigawan na namin yung kapitbahay nila Nica na nagkakaraoke. Nakikisabay kami sa kantahan, pero pasigaw. At sa loob ng tatlong oras na pagpapakain e naka-ilang tili ako dahil laging nabibitawan ang daga at natatakot ako. Hindi pala, nandidiri lang. Ayoko kasi sa mga gumagapang na hayop na nakakatusok o nakakakiliti. Natumba pa ako sa upuan dahil sa isang magaslaw na daga. Hawak hawak ko pa man din. Buti na lang may gloves ako at buti na lang hindi nasira yung bangko. Nakakatawa lang every moment kasi si David na walang pakialam ay maraming alam na trivia tungkol sa mga hamsters at nakakatuwa siya kanina. Dapat talaga mag-best thesis kami. Hahaha!

1 note